A Breastfeeding Mother's Prayer - EnglishLord, we praise You for Your infinite wisdom and generosity! We are wonderfully made!
From You, our children sprang from our wombs. From You, mother’s milk flows abundantly from our breasts to nourish and give them life, love, health, peace and contentment. We thank you for giving us this privilege to become your co-creators. We thank You for giving us this role to become mothers to our children. We thank You for giving us the strength and health to fulfill our commitment to nurture and breastfeed our children. We thank you for keeping our children safe in Your Hands as we cradle them in our warm embrace as they grow and live life to the fullest. We pray that through breastfeeding, we may be able to convey to our children Your great love for them so that they will grow up to faithfully and lovingly serve You and our fellow being for Your greater honor and glory. Amen. Let us pause for a moment of silence to pray for the souls of more than one million children who die every year because they were not breastfed. |
A Breastfeeding Mother's Prayer - FilipinoPanalangin ng Mga Ina sa Sabay-sabay, Sumuso sa Nanay
Panginoon, kami ay nagpupuri sa Iyo sa iyong walang-hanggang karunungan at pagpapala! Kami ay kagila-gilalas na nilikha! Mula sa iyo, ang aming mga anak ay sumibol sa aming sinapupunan. Mula sa iyo, masaganang bumubukal sa aming mga dibdib ang gatas ng ina upang busugin at bigyan sila ng buhay, kalusugan, pag-ibig, kapayapaan. Pinasasalamatan ka namin at minarapat mo kaming maging katuwang na tagapaglikha. Pinasasalamatan ka namin na biniyayaan mo kami ng tungkulin na maging ina sa aming mga anak. Pinasasalamatan ka namin na biniyayaan mo kami ng lakas at kalusugan upang matupad ang aming tungkulin na arugain at pasusuhin ang aming mga anak. Pinasasalamatan ka namin sa pananatiling ligtas ng aming mga anak sa Iyong mga Kamay habang sila ay aming idinuduyan sa mainit na yakap hanggang sila ay lumaki at mamuhay ng maluwalhati. Idinadalangin namin Panginoon na sa pamamagitan ng aming pagpapasuso, maipabatid namin sa aming mga supling ang Iyong dakilang pagmamahal sa kanila, upang sa gayon, mapalaki naming silang matapat at mapagmahal na naglilingkod sa Iyo at sa aming kapwa para sa iyong higit na kadakilaan at kaluwalhatian. Amen. Manahimik tayo sumandali para ipagdasal ang mga kaluluwa ng 16,000 batang Pilipino na namamatay taon-taon dahil hindi sila napasuso. |